by Bob Ong
"Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima , sampung taon sa hinaharap, mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng kapareha dahil lang sa kaboses niya si Debbie Gibson o magaling mag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e nagmumukha ring pandesal. Maniwala ka."
"Ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko."
"Hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko?"
"Hindi dahil sa hindi mo naiintindihan ang isang bagay ay kasinungalingan na ito. at hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan. "
"Sabi nila, sa kahit ano raw problema, isang tao lang ang makakatulong sa'yo - ang sarili mo. Tama sila. Isinuplong ako ng sarili ko. Kaya siguro namigay ng konsyensya ang Diyos, alam niyang hindi sa lahat ng oras e gumagana ang utak ng tao."
"Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko."
"Masama akong tao, tulad mo, sa parehong paraan na mabuti kang tao, tulad ko."
"Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala."
"Iba ang walang ginagawa sa gumagawa ng wala."
"Iba ang informal grammar sa mali!!!"
"Para san ba ang cellphone na may camera? Kung kailangan sa buhay un, dapat matagal na kong patay."
"Pare, isa kang totoong tao at walang halong kasinungalingan. In English, FACT you, pare. Totoo ka. In English, FACT you!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment